Dimples Romana asked again about Angel Locsin.

Dahil hindi aktibo ngayon sa showbiz si Angel Locsin at bihirang mag-post sa social media, ang matalik nitong kaibigan na si Dimples Romana ang madalas nahihingan ng updates tungkol sa mga kaganapan kay Angel.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Dimples sa red-carpet premiere at mediacon ng pelikulang The Caretakers, na ginanap sa Cinema 3 ng The Block SM North Edsa, noong February 24, 2025, tinanong ang aktres kung magbabalik-showbiz na ba si Angel.
Saad ni Dimples: “Gusto ko siyang masagot kaya lang I always tell Neil and Angel na, ‘Kayo talaga, para niyo na akong spokesperson niyo.’
“Dahil hindi sila gaanong lumalabas, ako ang natatanong.
“Pero ako naman kasi, with whatever life they have chosen, with Neil and Angel, I support.
“Wala ako sa posisyon talaga para makapagkuwento.”
Ayon kay Dimples, bukas naman lagi ang komunikasyon niya kay Angel at sa mister nitong si Neil Arce.
“I get to speak with Angel, I get to speak with Neil, and they are okay.”
May mga pelikula na ring na-produce noon si Niel gaya ng 10,000, I’m Ellenya L, at Fangirl Fanboy.
May balita ba si Dimples kung may balak mag-produce uli ng pelikula si Neil?
“Ako, gusto ko yun dahil yung mga pino-produce ni Neil ay mahuhusay naman.
“I want that, I pray for that.
“But again, as a friend… and I can only speak as a friend because I cannot speak about their lives because that’s not my life.
“But as a friend, I’m so happy that they are together and I get to talk to them both.
Masaya ako na nakakausap ko sila hanggang ngayon,” saad ng aktres.
DIMPLE ROMANA’S SUPERSTAR FRIENDS
Sa presscon proper ng horror film na The Caretakers, na showing na ngayon sa mga sinehan, nabanggit ni Dimples na “superstars” ang mga malalapit niyang kaibigan na sina Angel at Bea Alonzo.

Ayon pa sa aktres, nadagdagan ang superstar sa hanay ng mga kaibigan niya sa katauhan ni Iza Calzado, na co-star niya sa The Caretakers.
Kaugnay nito, tinanong si Dimples kung picky o namimili ba siya ng mga kaibigan.
Tugon niya: “Ako naman kasi, nagkakataon lang na yung nakakasama ko… kasi hindi ako tumigil magtrabaho kasi breadwinner ako sa amin.
“Mula 12 ako hanggang 40 ako, lagi kaming may pinapaaral ng asawa ko.
“At kapag ganun kasi, ang nagiging kaibigan mo kadalasan… either sa eskuwela, which I have best friends sa UST and even my elementary and hig hschool friends, pero kadalasan sa set yun.
“Dahil support ako palagi, either best friend ako, ang nangyayari, sila yung nagiging kaibigan ko.
“Masuwerte lang ako na yung nagiging mga kaibigan ko hanggang ngayon, kaibigan ko pa rin ilang dekada na.”
Paglilinaw ni Dimples: “Hindi ako picky bilang tao.
“Wala naman akong luxury na mamili dahil kung may luxury ako mamili, puwede siguro yun.
“Pero may blessing lang na lahat ng mga superstars na naging kaibigan ko, hanggang ngayon magkakaibigan pa rin kami.”
DIMPLES ROMANA ON IZA CALZADO
Puring-puri rin ni Dimples ang kabaitan at pagiging isang mabuting tao ni Iza.
Lahad niya: “I enjoyed every moment kasi si Iza is such a fantastic person.
“Yung kabaitan niya ay hindi lang sa onscreen kundi offscreen lalo.
“And now that she has become a mother, even more, she has become so nurturing even on set.
“Alam mo yung asawa ko nga, tuwang-tuwa kay Iza.
“Naku, talaga sa pagod ko nga, kasi nagmo-morning show ako sa umaga, before I go to set, alam mo nakakatulog ako.
“Nagkukuwentuhan kami, nakakatulog ako, tapos magigising ako.
“And even Boyet can get to speak to Iza.
“I love this collaboration, and sana hindi ito yung huling pagkakataon na magkatrabaho kami.”
Dahil sikat at maikukinsiderang superstars ang mga kaibigan, hindi ba naaapektuhan si Dimples kapag may mga intriga o isyung pinupukol sa mga kaibigan?
Sagot niya: “Basta okay naman sila, wala namang problema yun.
“Ako naman, hanggang dasal ako palagi. Alam ko rin ang lakas ng mga puso nila.
“Palagay ko, hindi na rin kailangang pag-usapan pa yung pribado nilang buhay, lalung-lalo na ako kaibigan kasi, so I get to see that.
“Ang mahalaga sa akin, they remain strong, they remain happy, and they remain very much happy with the lives that they have chosen.”
Sa kabila ng pagiging isang mahusay na aktres, labis ang pasasalamat ni Dimples na pinapanatili siyang grounded ng asawang si Boyet Ahmee.
“Yung mga anak ko at asawa ko ay nabubuhay nang normal at nakakalabas kami nang maayos, because Boyet remains very grounded to me, to make sure lang na naaalala ko na ang trabahong ito ay trabaho ko lang,” saad niya.
News
SH0CK: Marjorie Barretto, Hindi Na Nakapagpigil: ‘My Kids Are Hurting Dahil Kay Dennis Padilla’ – Hindi Niyo Alam Ang Nangyayari Behind Closed Doors!
As she bares details of Dennis’ alleged physical, verbal, financial, and emotional abuse (From left) Marjorie Barretto and Dennis Padilla….
Julia Barretto BINANATAN si Dennis Padilla sa Kasal ni Claudia — Lahat na-SH0CKED sa Mga Binitawang Salita Niya!
Julia Barretto NAGSALITA NA laban sa AMA na si Dennis Padilla | Claudia & Basti Lorenzo Wedding MANILA, Philippines –…
Nakakaiyak! Olivia Rodrigo Naiyak On Stage Habang Inaalala ang Kanyang Pinoy Roots!
Filipino-American singer Olivia Rodrigo shared an emotional moment from her GUTS tour, which took place during her performance of “Enough for You”…
WATCH: Naiyak si Olivia Rodrigo Pagkatapos ng PH Concert – Fans Naiwan sa Sh0ck ng Emosyonal na Video!
Olivia Rodrigo couldn’t help but shed some tears after her concert at the Philippine Arena in October. An emotional moment…
PILITA CORRALES, Legend of Filipino Music, Passes Away at 85 – Sh0cking Cause of Death REVEALED!!
Isang malungkot na balita ang sumalubong sa mga tagahanga at tagasubaybay nang pumanaw si Pilita Corrales sa edad na 85. Ang kanyang…
LUCY TORRES BREAKS DOWN IN TEARS! SH0CKING SECRET REVEALED on Richard Gomez’s 50th Birthday – YOU WON’T BELIEVE THE TRUTH! (WATCH THE VIDEO!)
Umiiyak si LUCY TORRES! SOBRANG SHOCKING REVEAL! ANG PAGKAKATAO ni Richard Gomez❤️Ika-50 Kaarawan ni Lucy Torres Gomez, TINGNAN NATIN ANG…
End of content
No more pages to load