Did Mommy Min just debunk unverified info involving daughter Kathryn?

May paalala ang ina ni Kathryn Bernardo na si Min Bernardo tungkol sa mga “fake news” na inuugnay sa Kapamilya actress.
Ito ay sa gitna ng walang basehang impormasyong nagkabalikan si Kathryn at ex-boyfriend na si Daniel Padilla.
February 23, 2025 nang i-post ito ng controversial internet personality na si Xian Gaza sa kanyang Facebook page.
May patutsada rin si Xian sa kanyang post na magkaibigan lang si Kathryn at ang napapabalitang manliligaw ng aktres na si Alden Richards.
Noong araw ring iyon ay naglabas ng pahayag si Mommy Min.
Nang hingan ng mensahe si Mommy Min para sa fans ni Kathryn, ito ang malamang sagot niya: “I know them very well. Wag kayo masyado maniniwala sa mga fake news.”
Walang eksaktong sinabi si Mommy Min kung aling “fake news” ang tinutukoy niya.
Sa comments section, nagtanong ang netizens kung bagong post ang video ni Mommy Min.
May mga nagkumpirmang bago ito.
Sinasabing may kaugnayan ito sa iniisyung pagbabalikan nina Kathryn at Daniel.
Komento nila, mas dapat paniwalaan si Mommy Min kesa mga unverified information na ipinapakalat ng iba.
Huling namataan sa publiko sina Daniel at Kathryn nang magkasama sila onstage sa ABS-CBN Christmas Special at Asia Artist Awards noong December 2023.
Sa kabilang banda, may mga napatanong din kung ano ang development sa pagitan naman nina Kathryn at Alden.
Marami sa fans nina Kathryn at Alden ang nagpahayag ng pag-asang nagkakamabutihan ang dalawa.
Hindi pa nasisilayan sina Kathryn at Alden na magkasama nitong pagpasok ng 2025.
ALDEN RICHARDS HAS CRYPTIC MESSAGE ON IG
Noong Enero 2025, natalakay sa vlog ni Cristy Fermin na diumano’y “nagdededmahan” na lang sina Alden at Kathryn.
Hindi na raw malapit ang dalawa kumpara noong kasagsagang ipinapalabas sa mga sinehan ang pelikula nilang Hello, Love, Again.
Sabay may disclaimer si Cristy na hindi raw niya alam kung baka naman may personal na pag-uusap ang dalawa.
Noong February 8, tinalakay sa vlog ni Ogie Diaz na huminto na umano si Alden sa panliligaw kay Kathryn.
Walang ibang detalyeng ibinigay si Ogie liban dito.
Kahapon, February 24, may cryptic post si Alden sa kanyang Instagram Story.
Sabi niya: “Food for thought: Mind your own business.”

Walang direktang pahayag ang aktor kung para saan ang kanyang post.
Sa kasalukuyan, walang direktang pahayag sina Kathryn at Alden tungkol sa estado ng kani-kanilang love life.
KATHRYN BERNARDO ALSO BEING LINKED TO MAYOR MARK ALCALA
Samantala, iniuugnay rin si Kathryn sa incumbent mayor ng Lucena City, Quezon, na si Mark Alcala.
Si Alcala ang ex-boyfriend ng Kapuso actress na si Ashley Ortega.
Nang makita ni Jojo Gabinete ng Cabinet Files si Alcala sa Lucena City noong February 18, sinubukan nitong tanungin ang alkalde tungkol sa balitang nanliligaw siya kay Kathryn.
Ngunit tumangging magbigay ng anumang pahayag si Alcala.
News
SH0CK: Marjorie Barretto, Hindi Na Nakapagpigil: ‘My Kids Are Hurting Dahil Kay Dennis Padilla’ – Hindi Niyo Alam Ang Nangyayari Behind Closed Doors!
As she bares details of Dennis’ alleged physical, verbal, financial, and emotional abuse (From left) Marjorie Barretto and Dennis Padilla….
Julia Barretto BINANATAN si Dennis Padilla sa Kasal ni Claudia — Lahat na-SH0CKED sa Mga Binitawang Salita Niya!
Julia Barretto NAGSALITA NA laban sa AMA na si Dennis Padilla | Claudia & Basti Lorenzo Wedding MANILA, Philippines –…
Nakakaiyak! Olivia Rodrigo Naiyak On Stage Habang Inaalala ang Kanyang Pinoy Roots!
Filipino-American singer Olivia Rodrigo shared an emotional moment from her GUTS tour, which took place during her performance of “Enough for You”…
WATCH: Naiyak si Olivia Rodrigo Pagkatapos ng PH Concert – Fans Naiwan sa Sh0ck ng Emosyonal na Video!
Olivia Rodrigo couldn’t help but shed some tears after her concert at the Philippine Arena in October. An emotional moment…
PILITA CORRALES, Legend of Filipino Music, Passes Away at 85 – Sh0cking Cause of Death REVEALED!!
Isang malungkot na balita ang sumalubong sa mga tagahanga at tagasubaybay nang pumanaw si Pilita Corrales sa edad na 85. Ang kanyang…
LUCY TORRES BREAKS DOWN IN TEARS! SH0CKING SECRET REVEALED on Richard Gomez’s 50th Birthday – YOU WON’T BELIEVE THE TRUTH! (WATCH THE VIDEO!)
Umiiyak si LUCY TORRES! SOBRANG SHOCKING REVEAL! ANG PAGKAKATAO ni Richard Gomez❤️Ika-50 Kaarawan ni Lucy Torres Gomez, TINGNAN NATIN ANG…
End of content
No more pages to load