Sunshine posts a photo with Atong while they are inside a helicopter.

 Sunshine Cruz posts photo with Atong Ang
Actress Sunshine Cruz flexes a photo of boyfriend Atong Ang in her social media account, making their relationship Instagram official. 

PHOTO/S: Sunshine Cruz on Instagram

Unti-unti nang binubuksan sa publiko nina Sunshine Cruz at Atong Ang ang espesyal nilang relasyon.

Sa pamamagitan ng isang Instagram Stories noong March 14, 2025, ipinost ni Sunshine ang sweet picture nila ng gambling tycoon na si Atong.

Sakay ng isang helicopter sina Sunshine at Atong na nakangiti at magkatabi nang kunan ang litrato.

 Sunshine Cruz posts photo with Atong Ang
Photo/s: Screengrab @SunshineCruz on Instagram

Bagamat walang nilagay na kahit anong caption dito si Sunshine, mapapansin ang pagiging komportable at malapit nila sa isa’t isa ni Atong.

SUNSHINE-ATONG SIGhTINGS

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nag-post si Sunshine ng larawan niya kasama si Atong.

Nangyari ito tatlong buwan mula nang maispatan nang ilang beses ang dalawa na sweet habang magkasama sa private events.

Noong December 17, 2024 unang umugong ang usap-usapang may relasyon ang dalawa nang kumalat sa social media ang kuhang video nina Sunshine at Atong na magkahalikan sa isang cockpit arena.

 Sunshine Cruz posts photo with Atong Ang
Photo/s: Screengrab @Facebook

Nasundan pa ito nang maispatan muli ang dalawa na magkasamang dumalo sa kasal ng isang malapit na kaibigan ni Atong.

 Sunshine Cruz posts photo with Atong Ang
Photo/s: Kate Villalon on Facebook

Hanggang noong December 19, 2024, tuluyan nang kinumpirma sa Bilyonaryo News Channel ni Atong ang relasyon nila ni Sunshine.

SUNSHINE-ATONG’S PAST RELATIONSHIP with macky mathay

Si Macky Mathay ang huling napabalitang karelasyon ni Sunshine.

Noong 2016 nang kumpirmahin nina Sunshine at Macky ang kanilang relasyon.

Hanggang sa pumutok ang balitang hiwalay na sina Macky at Sunshine dahil sa “realizations” post ng aktres sa Instagram noong September 22, 2022.

Noong February 2023, sa kauna-unahang pagkakataon, nagsalita na si Sunshine sa hiwalayan nila ni Macky.

Nangyari ito sa guest appearance niya sa Fast Talk with Boy Abunda.

Depensa ng aktres, pinili niya noong manahimik dahil may mga batang sangkot sa relasyon nila.

Pahayag niya sa panayam ni Boy Abunda, “I chose to be quiet because merong mga bata na involved — mga anak niya na napamahal sa akin at yung mga anak ko na napamahal kay Macky.

“So, nag-decide ako na maging quiet na lang, kasi hindi naman talaga alam ng publiko kung ano yung mga pinagdadaanan namin or kung ano yung pinagdaanan ko.

“Parang ang feeling ko, Tito Boy, hindi na dapat talaga ma-involve ang publiko dito.”

Hindi man nagbigay ng detalye si Sunshine tungkol sa hiwalayan nila ni Macky, inamin niyang nawala ang tiwala at respeto sa relasyon nila.

Katulad din daw ito noon sa ex-husband niyang si Cesar Montano.

Lahad ni Sunshine, “Ang na-realize ko lang dito sa relationship, and even with my ex-husband, Cesar, tatlo ang importanteng bagay sa relationship — hindi lang love.

“Dapat nandun ang trust, nandun ang respect. Pag merong isang nawala dun, it’s not going to work.

“And sa edad kong ito, I am 45 years old, hindi na dapat pinapatagal.

“Of course, you give chances, sabi nga, di ba, yung kay Senator Chiz [Escudero-Heart Evangelista reconciliation], masarap magkaroon ng second chances.

“Of course, you give your second chance, third chance… hanggang 10 pa nga na beses magbibigay ka, e.

“Pero at the end of the day, you wake up one day at mari-realize na wala nang patutunguhan ang relationship.

“You just have to be thankful for the years you’ve been together. Naging maganda yung pagsasama niyo, nagmahalan kayo, naging inspiration kayo sa isa’t isa.”

Hindi rin napigilan ni Boy na itanong kay Sunshine kung may third party bang involved sa hiwalayan nila ni Macky.

Makahulugan ang naging sagot ni Sunshine.

Ani Sunshine, “Parang wala ako sa posisyon na magsalita tungkol diyan.”

Pagdating kay Atong, ang aktres naman na si Gretchen Barretto ang napabalitang huling na-link sa kanya.

Walang pag-amin ang dalawa kung nagkaroon sila noon ng espesyal na ugnayan.

Ang tanging alam lang ng publiko—sina Gretchen at Atong ay mag-business partner.