Kylie: “New Year is here, and I think I can afford to calm down.”

Nakauwi na sa Pilipinas ang Kapuso actress na si Kylie Padilla matapos niyang magtungo sa Tokyo, Japan, kung saan siya nagdiwang ng Bagong Taon.
Sa kanyang Instagram broadcast channel noong January 5, 2024, naghayag ng saloobin si Kylie sa napagtanto niya sa kanyang recent Japan trip.
Rebelasyon ng aktres, simula noong nahiwalay siya sa estranged husband na si Aljur Abrenica ay natakot na siya sa buhay na tatahakin niyang mag-isa.
Nakaligtaan na rin daw niyang magpahinga at mag-relax sa trabaho dahil sa takot at pressure niyang bigyan ng magandang buhay ang dalawa nilang anak ni Aljur — sina Alas at Axl.
Mababasa sa kanyang post (published as is), “Reflection ~ since this tokyo trip I have realised so much.
“Ever since my separation with my ex I have been so afraid of life.
“Afraid of relaxing and letting go of my grip on control. I didn’t know how much single parenthood scared me.
“Having two young kids rely on you while you are falling apart is so much pressure pala.”
Gayunpaman, proud daw si Kylie sa mga pinagdaanan niya, dahil ito ang nagturo sa kanyang maging matatag at lumaban sa anumang hamon ng buhay.
Kaya ngayong 2024, mas kalmado at matapang na raw na bersyon ang pangingibabawin niya kumpara noong 2023 na mas nangibabaw ang lungkot at takot.
Saad ni Kylie, “I was bursting at the seams, but looking back, I’m so proud of how far I’ve come.
“2024 is here, and I think I can afford to calm down.
“Since abundance is my [mantra] this year, maybe the lesson is the more you let go, then the more you can accept into your life.
“More help, more calmness, and more smiles rather than overthinking.”
Dagdag pa ng aktres, “I am loved, I am ok and I am supported.
“Hay. Amen for everything.”
Taong 2018 nang magpakasal si Kylie kay Aljur. Biniyayaan sila ng dalawang anak.
Hanggang noong 2021, naisyu ang relasyon ng dalawa matapos mapabalitang hiwalay na sila.
July 2021, nakumpirmang nagwakas na nga ang relasyon nina Kylie at Aljur dahil sa rebelasyon ng ama ng aktres na si Robin Padilla. Sinabi nitong third party ang dahilan ng breakup ng dalawa.
Dito na rin nasangkot ang pangalan ng Vivamax actress na si AJ Raval na pinaghinalaang third party sa hiwalayang Aljur at Kylie.
Ito’y dahil makailang beses silang naispatan ni Aljur na magkasama matapos isapubliko ni Robin na hiwalay na ang aktor at ang kanyang anak.
Hanggang noong February 14, 2023, tuluyan nang isinapubliko nina Aljur at AJ ang kanilang relasyon.
Samantala, mayroon na rin ngayong napapabalitang “boyfriend” si Kylie.
Paliwanag pa niya, dahil sa masalimuot na pinagdaanan ng kanyang nakalipas na relasyon ay napagdesisyunan niyang gawing pribado muna ang relasyong mayroon siya ngayon.
Aniya, “After kasi ng everything, gusto ko na munang i-private yon.”
News
SH0CK: Marjorie Barretto, Hindi Na Nakapagpigil: ‘My Kids Are Hurting Dahil Kay Dennis Padilla’ – Hindi Niyo Alam Ang Nangyayari Behind Closed Doors!
As she bares details of Dennis’ alleged physical, verbal, financial, and emotional abuse (From left) Marjorie Barretto and Dennis Padilla….
Julia Barretto BINANATAN si Dennis Padilla sa Kasal ni Claudia — Lahat na-SH0CKED sa Mga Binitawang Salita Niya!
Julia Barretto NAGSALITA NA laban sa AMA na si Dennis Padilla | Claudia & Basti Lorenzo Wedding MANILA, Philippines –…
Nakakaiyak! Olivia Rodrigo Naiyak On Stage Habang Inaalala ang Kanyang Pinoy Roots!
Filipino-American singer Olivia Rodrigo shared an emotional moment from her GUTS tour, which took place during her performance of “Enough for You”…
WATCH: Naiyak si Olivia Rodrigo Pagkatapos ng PH Concert – Fans Naiwan sa Sh0ck ng Emosyonal na Video!
Olivia Rodrigo couldn’t help but shed some tears after her concert at the Philippine Arena in October. An emotional moment…
PILITA CORRALES, Legend of Filipino Music, Passes Away at 85 – Sh0cking Cause of Death REVEALED!!
Isang malungkot na balita ang sumalubong sa mga tagahanga at tagasubaybay nang pumanaw si Pilita Corrales sa edad na 85. Ang kanyang…
LUCY TORRES BREAKS DOWN IN TEARS! SH0CKING SECRET REVEALED on Richard Gomez’s 50th Birthday – YOU WON’T BELIEVE THE TRUTH! (WATCH THE VIDEO!)
Umiiyak si LUCY TORRES! SOBRANG SHOCKING REVEAL! ANG PAGKAKATAO ni Richard Gomez❤️Ika-50 Kaarawan ni Lucy Torres Gomez, TINGNAN NATIN ANG…
End of content
No more pages to load