Pau Fajardo OPEN UP not keen on having a basketball player boyfriend
Influencer Pau Fajardo not ready to enter in a relationship.
Influencer Pau Fajardo on romantic relationship: “Kung darating, darating. Yun na lang po. Di ko masasabi, ayokong magsalita nang tapos.”
Idiniin ng social media influencer na si Pau Fajardo na ayaw na niyang magkaroon ng relasyon sa isang basketball player.
Mahihinuhang malalim ang iniwang sugat ng breakup ni Pau sa PBA player na si Scottie Thompson ng Barngay Ginebra.
Sina Pau at Scottie ay walong taong magkarelasyon. Bisperas ng Bagong Taon ng 2021 ay nag-propose ang player kay Pau.
Subalit laging gulat ng marami nang mapabalitang ikinasal na si Scottie sa isang stewardess, si Jinky Serrano, noong June 2021.
Sa isang statement, inako ni Scottie na siya ang may kasalanan sa paghihiwalay nila ni Pau.
PAU ONE YEAR AFTER breakup with scottie
Isang taon ang nakalilipas, hindi pa rin handa si Pau na pumasok sa relasyon.
At lalong ayaw na raw niya sa basketball player.
“Basketball player? Di na talaga,” diin ni Pau.
Nakapanayam siya ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) sa contract signing/launching niya bilang Luxe Slim endorser na ginanap sa Illos Home Restaurant, Parañaque.
Ano naman ang hinahanap niya sa isang lalaki?
“Ako, basta loyal okay na ako. Yun na muna,” sagot niya.
Sa kasagsagan ng kontrobersiya ng paghihiwalay nila ni Scottie, maraming mga misis ng basketball players ang sumuporta kay Pau.
“Siguro kasi kilala nila ako. Kilala nila kami pareho, pero siyempre, di lang sila nagsa-side sa akin, masaya na nandun ang suporta nila sa akin,” komento ni Pau.
REAL SCORE WITH JONATHAN GREY
Sa kabilang banda, tinutukso si Pau kay Northport Batang Pier shooting guard Jonathan Grey.
Pero “personal choice” daw ni Pau na huwag munang mag-entertain.
“Siguro ‘wag na muna,” sabi niya.
“Si Jonathan, hindi kami magkakilala talaga. Nakikita ko siya before kasi he’s a player.
“Pero di kami magkakilala personally, wala kaming connection.
“Siguro once lang, parang meryenda lang. Pero after nun, wala na.”
Ayaw rin ni Paul na bigyan ng deadline ang sarili kung kailan makikipagrelasyon.
“Kung darating, darating. Yun na lang po. Di ko masasabi, ayokong magsalita nang tapos.
“Bahala na si Lord.”
Hindi lahat ay suporta ang natatanggap ni Pau. Nagkaroon din siya ng bashers.
Hindi rin daw siya manhid para hindi maapektuhan ng pamba-bash.
Aniya, “Naapektuhan pa rin kasi di naman tayo sanay sa ganito.
“Pero tine-take ko na lang siya na okay lang. Pero wala na ngayon.”
ON GIVING SHOWBIZ A TRY
Napabalita rin noong nakaraang taon na nagkaroon siya ng meeting with Vic del Rosario, ang big boss ng Viva Entertainment.
Inakala ng marami na susubukan ni Pau ang showbiz, pero hindi ito nangyari.
“Nung time na yun parang lutang ako. Kumbaga yung isip ko parang wala pa talagang plano.
“Di naman reding-ready, kumbaga, it takes time siguro.”
Pero ngayon ay mas bukas na raw siyang subukan ang showbiz.
“Kung may opportunity why not?” sabi niya.
Consistent si Pau na ang Kapamilya actor at crush niyang si Zanjoe Marudo ang gusto niyang maging leading man.
“Family-oriented kasi si Zanjoe, parang God-fearing.
“Na-meet ko na kasi siya personally. Friend siya ni Kuya, so na-meet ko na. Mabait siya.”
BLESSING IN DISGUISE
Sa kabila ng pinagdaanang heartbreak, naniniwala si Pau na may dahilan ang nangyari.
“Siguro okay na, blessing in disguise na rin siguro yung nangyari.
“Kasi kung di nangyari yun, di ako lalabas sa comfort zone ko.
“Di ko mami-meet yung mga taong nagtiwala to endorse their products, especially Ms. Anna Magkawas. Sobrang thankful ako.”
“Malas sa pag-ibig, malas sa career, siguro ganun na nga.
“Minalas man sa pag-ibig pero yung mga taong nagtitiwala na i-promote, i-endorse ang product nila, sobrang malaking bagay na yun sa akin.”
News
Shock Confession! Louise Delos Reyes Breaks Silence—Boldly Reveals Xian Lim as the Father of Her Child!
Louise Delos Reyes BREAKS SILENCE, BOLDLY CONFIRMS Xian Lim IS THE FATHER OF HER CHILD! In a stunning turn of…
OMG! Sunshine Cruz and Atong Ang Finally Say ‘I Do’ in a Lavish Wedding Spectacle—Fans Dub It the Century’s Most Iconic Ceremony!
UNBELIEVABLE! SUNSHINE CRUZ AND ATONG ANG TIE THE KNOT IN A GLAMOROUS CEREMONY – FANS CALL IT THE WEDDING OF…
Explosive Twist! Mystery Woman Linked to Kobe and Kyline’s Breakup Breaks Silence—Her Shocking Confession Will Blow Your Mind!
Bombshell Revelation! Woman Allegedly Behind Kobe and Kyline’s Breakup Speaks—What She Said Will Leave You Stunned! After weeks of speculation…
Tearful Farewell! Kris Aquino Bids an Emotional Goodbye to Her Two Sons—Heartbreaking Revelation Stuns the Nation!
KRIS AQUINO SAYS EMOTIONAL GOODBYE TO HER TWO BELOVED KIDS – SHOCKING REVEALATION LEAVES FANS HEARTBROKEN! In an emotional and…
Ivana Alawi to Say Goodbye? Fans Shocked by Rumors of Serious Illness This Year!
Ivana Alawi Mamamaalam Dahil sa Malubhang Sakit Ngayong Taon? Noong Oktubre 2024, ang kilalang aktres at YouTuber na si Ivana…
Bongga! Atong Ang Takes Sunshine Cruz and Her Kids to the Most Expensive Hotel—You Won’t Believe the Price Tag!
Usap-usapan ngayon sa social media ang diumano’y engrandeng pagdadala ni Atong Ang kay Sunshine Cruz at sa mga anak nito…
End of content
No more pages to load