Nabalot ng kalungkutan ang entertainment industry dahil sa pagpanaw ng multi-awarded Filipina singer na kinikilala rin bilang Asia’s Queen of Song na si Pilita Corrales.

Binawian ng buhay si Pilita sa edad na 87 noong April 12, 2025.

 

Pilita Corales dies at 87 years old

Pilita Corrales’s granddaughter Janine Gutierrez confirms her passing on April 12, 2025. 
Photo/s: @janinegutierrez Instagram

Naulila niya ang kanyang mga anak na sina Jackie Lou Blanco at Ramon Christopher Gutierrez, maging ang kanyang mga apo.

 

Bukod sa pamilyang naulila ni Pilita, ilan ding celebrities ang ngayo’y nalulungkot at nagdadalamhati sa pagpanaw ng batikang singer-actress.

 

JERICHO ROSALES MOURNS DEATH OF PILITA CORRALES

Kabilang sa unang nagpaabot ng pakikiramay ay ang aktor na si Jericho Rosales.

Si Jericho ay special someone ni Janine Gutierrez, na apo ni Pilita.

 

Sa Instagram Story noong April 12, shinare ni Jericho ang litrato ni Pilita, kalakip ang caption na ito (published as is): “Her songs engraved in my mother’s heart. Beyond grateful for this artist.”

Jericho Rosales, Ogie Alcasid pay tribute to Pilita Corrales

Photo/s: Screengrab Jericho Rosales on Instagram

Hindi lingid sa kaalaman ng iba na naging malapit si Jericho kay Piita nang magsimula silang mag-date ni Janine.

Sa katunayan, nang magdiwang ng ika-87 kaarawan si Pilita, noong April 22, 2024, isa si Jericho sa mga spotted na bisita.

Kinantahan pa niya si Pilita ng “Change The World” ng American singer na si Eric Clapton.

 

OGIE ALCASID describeS PILITA as a “national treasure”

Kalungkutan din ang nararamdaman ni Ogie Alcasid sa pagkawala ni Pilita na tinawag niyang “national treasure.”

Kalakip ang black-and-white photo ni Pilita, post sa Instagram ni Ogie (published as is):

“We lost a national treasure.

“We send our prayers and our deepest sympathies to the families and loved ones of Mamita.

“Ty so much for your kindness, your generosity and your heavenly voice.”

MARTIN NIEVERA REMEMBERS PILITA

Idinaan din ni Martin Nievera sa pagpu-post sa Instagram ang pagbibigay-pugay niya kay Pilita.

Aniya, malaking bahagi ang namayapang singer sa kung anong mayroon siya ngayon, kaya ganoon na lamang ang kanyang pasasalamat dito.

Kalakip ang video at litrato nila ni Pilita, caption ni Martin (published as is):

“Thank you for giving me my first pair of wings. Because of you I could fly into my dreams.

“Now I ask the entire Showbiz industry to bend the “Pilita bend” with me in honor of a legend; an icon.

“We love you and honor you this day as we remember you and let your spirit live through all our good works from this day forward.

“A million thanks to you, tita mamita, Pilita Corrales! I will never forget this, our last duet.”

 

ZSA ZSA PADILLA penS a lengthy tribute TO PILITA

Inalala naman ng singer na si Zsa Zsa Padilla ang mga panahong nagkatrabaho sila ni Pilita.

Ayon kay Zsa Zsa, nami-miss niya ang boses, mukha, at bonding nila ni Pilita noong ito ay nabubuhay pa.

Gayunpaman, ang lahat ng alaala at life advice raw nito sa kanya ay hindi niya kailanman makakalimutan.

Mababasa sa post ni Zsa Zsa: “Dearest Tita Pilita, It’s hard to imagine a world without you. I can still vividly hear your voice, see your beautiful face, and feel your warmth, charm, and unmatched humor. You were truly one of a kind.

“I’ll never forget the first time we worked together—what an honor it was to finally get to know you beyond the icon I had long admired. You were always so candid, so funny, so full of life. I will miss your stories deeply.

“I will forever treasure the advice you’ve shared with me. And with great sadness, I say goodbye… to my idol, my inspiration.

“Thank you for your greatness. Thank you for your songs, which will forever live in my heart. Maraming salamat. I love you, Tita.”

 

Dulce Reminisces Moments With Fellow Cebuana Pilita

Makabagbagdamdamin ang huling mensahe ni Dulce sa kapwa niya Cebuana na si Pilita.

Ani Dulce, mataas ang tingin at paggalang niya kay Pilita hindi lang bilang isang magaling na mang-aawit kundi bilang kaibigan at iniidolo.

Pagbabalik-tanaw ni Dulce, katorse anyos pa lang siya nang makilala niya si Pilita. Simula raw nito ay naging matalik na silang magkaibigan na magkasama sa hirap at saya.

Saksi raw si Pilita sa kung paano niya narating ang katayuan niya ngayon bilang isang singer.

Kaya naman, ganoon na lamang ang kanyang pasasalamat at pagmamahal sa namayapang singer-actress.

Kalakip ang throwback picture nila ni Pilita, post ni Dulce sa Instagram:

“This precious woman paved the way for Cebuano performing artists like me, and blazed the trail for me to follow.

“I love you Inday Pilits, daghan kaayong salamat sa tanan nimong gihimo ug pagtabang aron makaabot ang sama nako dinhi karon sa akong gibarogan. (Maraming salamat sa lahat ng ginawa mo na pagtulong para makarating ang tulad ko ngayon kung saan man ako nakarating.)

“I honor you Inday, you have my utmost respect, I appreciate all you did for me, for defending me all through the years.

“Your loving and caring nature is like no other even as I look up to you as my superstar idol from when I was just starting in the music industry when your brother Rafael Corrales brought you to the bar restaurant in Makati where I was singing regularly at 14 years old, he introduced me to you.

“You are so loved by millions of people around the world but as for me and my children we are so blessed that we have you as a very dear friend and more than that you accepted us into your life as family.”

Sa huli, pangako ni Dulce na nawala man sa mundo si Pilita, ang masasaya nilang alaala noong ito ay nabubuhay pa ay mananatili sa kanyang puso at isipan.

Aniya, “I will keep and treasure everything you taught me and gave me and all the things you are to me. A million thanks is never enough… I love you so much my forever beloved Inday… Ms. Pilita Corrales.

“Rejoice In Paradise, I’ll see you when I get there.”

 

Regine Velasquez and Pop FErnandez heartbroken over Pilita’s death

Ilan pa sa mga kapwa singer ni Pilita na ngayo’y nagluluksa ay sina Regine Velasquez at Pop Fernandez.

Sa magkahiwalay na post, ibinahagi nina Regine at Pop ang litrato ni Pilita kalakip ang kanilang pakikiramay sa pamilyang naulila nito.

 

Jericho Rosales, Ogie Alcasid pay tribute to Pilita Corrales

Photo/s: Screengrab Pop Fernandez on Instagram