Diniskwalipika ng It’s Showtime ang “Tawag Ng Tanghalan (TNT) Grand Resbak” contestant na si Marco Adobas matapos nitong tawaging “cooking show” ang resulta ng kompetisyon kahapon, March 26, 2025.
Ang naglaban sa “TNT Grand Resbak” kahapon ay sina Marko Rudio at Ayegee Paredes, na kumanta ng “Yugto” ni Rico Blanco at “Superwoman” ni Karyn Whiteman, respectively.
Nanalo si Rudio sa round na iyon.
Ang mga hurado ay sina Louie Ocampo, Dingdong Avanzado, at Pops Fernandez.
Naghayag ng disgusto ang 30-anyos na si Adobas, sa pamamagitan ng Facebook, sa resulta ng kumpetisyon.
Paratang niya, hindi performance ng contestants ang basehan kundi idinaan sa “cooking show” para manalo ang bet ng It’s Showtime.
Katuwiran ni Adobas, sayang ang pagod, oras, at panahon sa pag-eensayo kung hindi raw bibigyang halaga ang singing voice ng contestant.
Tingin ni Adobas, mas karapat-dapat si Ayegee Paredes na umuwi pa raw ng Pilipinas para sa contest.
Kapangkat ni Adobas si Paredes sa Alon.

Hindi naman nasabi ni Adobas kung ano ang basehan niya sa nabitiwanag salita.
Kumalat ang screenshots ng Facebook post ni Adobas.
Iba-iba ang opinyon ng netizens sa isyu at may kanya-kanya ring pambato ang mga sumusubaybay sa “TNT” contest.
IT’S SHOWTIME CALLS OUT MARCO ADOBAS
Kasunod nito ay inaksiyunan ng It’s Showtime ang “mabigat na paratang” ni Adobas laban sa programa.
Ngayong Huwebes, March 27, naglabas ng official statement ang It’s Showtime para ianunsiyo ang pag-disqualify kay Adobas.
Binasa ito ng It’s Showtime hosts na sina Vice Ganda, Vhong Navarro, Jhong Hilario, at Karylle sa mismong programa.
May nalabag daw na clause si Adobas sa pinirmahan nitong kontrata bago sumabak bilang contestant ng It’s Showtime.
Pahayag ng It’s Showtime: “Ang mga kalahok sa #TawagNgTanghalan ay may pinirmahang kasunduan bago magsimula ang kumpetisyon.
“Sa hindi inaasahang pangyayari, si Marco Adobas ng #PangkatAlon ay may nilabag na alituntunin na nakasaad sa kanyang pinirmahang kasunduan.
“Dahilan para siya ay ma-disqualify, at hindi na magpatuloy sa kumpetisyon.”
Inihayag din ng It’s Showtime na tinitingnan ng management ang posibilidad na gumawa ng legal na hakbang laban kay Rudio.
“At dahil sa mga mabigat na paratang na inilahatla niya sa kanyang social media patungkol sa kumpetisyon at sa programa ay may posibilidad na masampahan siya ng kaso.”
Kasunod nito ay nagbigay ng paalala si Vice Ganda.
Saad niya: “Kaya everyone, be very careful.
“Maaari tayong magbigay ng ating mga opinyon pero siguraduhing ang ating opinyon ay di makakapagpahamak ng ibang tao, o anumang grupo, at lalong di magpahamak ng mga sarili ninyo.
“Lalung-lalo na sa may mga pinipirmahang kasunduan, para alam ninyo kung paano dadalhin ang inyong mga sarili.”
Inanunsiyo rin ni Vice na dahil sa pagkakadiskwalipika ni Adobas ay papalitan siya ng isang contestant na magmumula rin sa natibag na pangkat, ang Amihan.
“Dahil din sa pangyayaring ito ay napagdesisyunan ng programa na siya ay palitan upang manatiling kumpleto ang bilang ng mga miyembro ng pangkat na kanyang kinabibilangan.
“At ang piniling kapalit ay manggagaling sa natibag na pangkat, ang #PangkatAmihan, at yun ay walang iba kundi si Arvery Lagoring,” pag-anunsiyo ni Vice.
MARCO ADOBAS SAYS SORRY TO IT’S SHOWTIME
Matapos ang programa ay may reaksiyon si Adobas sa pagkakatanggal niya sa show.
May mga nagkomento kasing netizens sa Facebook page ni Adobas tungkol sa isyu.
Ayon kay Adobas, humingi siya ng paumanhin sa It’s Showtime dahil sa sinabi niyang “cooking show” ang resulta ng “TNT” competition kahapon.
Nagkamali raw siya sa kanyang paratang at nadala lamang ng emosyon niya kaya nasabi iyon.
Pahayag niya: “Sa mga wala pong alam sa nangyari. May pag-uusap na po sa pagitan ng management ng Showtime.
“At ako po ay humingi ng kapatawaran sa aking nagawa at okay na po ang lahat. Ako po ay nadala ng bugso ng aking emosyon.
“Kaya sana po ay maunawaan niyo na.”
May sinagot ding netizen si Adobas na nagsasabing: “Boss di ako kinasuhan ng ABS-CBN.
“Inareglo po at nilinaw po namin lahat ng aking pagkakamali.
“Kaya sana malinaw na po sa inyo.”

MARCO ADOBAS AS TNT GRAND RESBAKER
Si Adobas ay unang naging contestant ng “TNT” anim na taon na ang nakararaan.
Nito lamang March 19, 2025 ay sumalang siya sa show at nainterbyu nina Vice, Vhong, at Jhong.
Inamin ni Adobas na natakot siyang sumali ulit bilang grand resbaker dahil baka di na raw niya kaya makipagsabayan sa contestants.
Pinalakas ni Vice ang loob niya.
Noong March 22, nag-post pa si Adobas ng kanyang excitement para maghanap ng masusuot sa susunod niyang salang sa show.
Pero biglang naudlot ang kanyang journey sa “TNT” ngayong diskwalipikado na siya.
News
REVIEW: Kathryn Bernardo, Alden Richards offer a new treatment of the OFW story in Hello, Love, Goodbye
Judging by its trailer alone, one may be tempted to think that Star Cinema’s Hello, Love, Goodbye, is only a test vehicle for…
Darren Espanto defends AC Bonifacio amid online bashing
Hindi lingid sa kaalaman ng ABS-CBN singer-actor na si Darren Espanto ang matinding pamba-bash na natatanggap ngayon ng kanyang best friend na si AC…
Kathryn + Alden Spill The Deets On Their First Awkward Moment, Filming ‘Hello, Love, Goodbye,’ And Their Characters’ Biggest Flaws
I’m sure I’m not the only one who went cray with excitement when it was announced that Kathryn Bernardo and Alden Richards were starring…
IN PICTURES: KimPau’s Sweet Moments in Birmingham—Undeniable Chemistry or Something More?
BIRMINGHAM – On screen team Kim Chiu and Paulo Avelino also known as KimPau from the hit series “Linlang” and…
KimPau’s Sweet Moments Send Fans Into a Frenzy—Are They More Than Just On-Screen Partners? 😍
Ever since the launch of the love team KimPau in the series Linlang, fans have been going gaga over the chemistry…
Kim Chiu & Paulo Avelino’s Workplace Romance Heats Up in ‘What’s Wrong With Secretary Kim?’—But Is There More Off-Screen?
With What’s Wrong With Secretary Kim? sparking interest in office romance, lead actors Kim Chiu and Paulo Avelino shared their…
End of content
No more pages to load