Barbie Hsu’s family decides not to hold a memorial actress for the late actress.

Naiuwi na ng pamilya ni Barbie Hsu sa Taiwan, mula sa Tokyo, Japan, ang kanyang cremated remains noong Miyerkules, Pebrero 5, 2025.

Sakay ng isang private jet charter service, nakalagay sa pink urn ang abo ng mga labi ni Barbie, na binawian ng buhay sa Japan sa edad na 48, noong Pebrero 2.

Pneumonia na epekto ng pagkakaroon niya ng influenza ang dahilan ng pagkamatay ng Meteor Garden star.

Ang “youthful personality” ang sinabing dahilan kaya pinili ng pamilya ni Barbie ang kulay rosas na urn ng kanyang cremated remains.

Nagpasya ang pamilya ng pumanaw na Taiwanese actress na manatili muna sa kanyang tahanan at huwag ilagay sa columbarium ang urn na kinalalagyan ng mga labi niya.

NO MEMORIAL SERVICE FOR BARBIE HSU

Hindi rin magdaraos ng memorial service para kay Barbie.

Nakasaad ito sa opisyal na pahayag na inilabas ng pamilya ni Barbie bilang pasasalamat sa mga miyembro ng media na nag-abang sa pagdating ng mga labi ng aktres, na dala-dala ng kanyang Korean musician husband na si Koo Jun-yup sa Taipei Songshan Airport.

barbie hsu cremated remains

Screen shot ng pagdating ng urn na naglalaman ng cremated remains ng Meteor Garden star na si Barbie Hsu sa Taiwan 

Photo/s: Screen grab from Liberty Times Net Taiwan

Ito ang nilalaman ng kanilang pahayag, na isinalin sa English:

“Thank you to members of the media who have been awaiting Barbie’s return in such cold weather. She has made it home safely. I believe she is happy and carefree in heaven now.

“We will not be holding a memorial service for Barbie since she always liked to keep a low profile. If you miss her, keep her in your heart. Our whole family thanks you for the love you have for Barbie.”

FAKE NEWS

Hindi nawalan ng kontrobersiya ang pagpanaw ni Barbie dahil sa fake news na pinabulaanan ng kanyang kapatid si Dee Hsu.

Itinuwid ni Dee ang balitang ang ex-husband ni Barbie na si Wang Xiaofei ang responsable sa pagkuha at pagbabayad sa private jet na nag-uwi ng abo ng namayapang aktres sa Taiwan.

barbie hsu wang xiaofei

Barbie Hsu and ex-husband Wang Xiaofei 

Photo/s: Instagram

Ayon kay Dee, ang pamilya niya at ang kanyang asawa ang nag-ayos ng lahat para sa pagbabalik sa Taiwan ng cremated remains ni Barbie.

Ipinarating ni Dee sa publiko ang kanyang reaksiyon tungkol sa walang katotohanang isyu sa pamamagitan ng manager niya.

Pahayag ni Dee, “I don’t understand why there is this lie floating around that Wang Xiaofei chartered the private jet.

“Heaven is watching what you’re doing, especially now that Barbie is up there looking down too.

“Must these unbearable rumours continue to spread?”