Pumuwesto agad ang Incognito sa number 1 ng Top 10 TV Shows in the Philippines Today sa Netflix.

Noong Enero 17, 2025, Biyernes ng gabi, nag-umpisang ipalabas sa Netflix ang advance episodes ng maaksiyong Kapamilya series na bida si Daniel Padilla, kasama ang MaThon tandem nina Maris Racal at Anthony Jennings, plus Richard Gutierrez, Baron Geisler, Ian Veneracion, at Kaila Estrada, sa direksiyon ni Lester Pimentel Ong.

Ang target audience ng Incognito ay edad 16 pataas dahil sa violence.

Ipapalabas ang advance episodes sa Netflix hanggang Hulyo 2025.

Nakalatag ito sa 26 weeks.

Nakalagay sa Netflix na 130 episodes ang Incognito. Pero malamang na mabawasan ito ng dalawang episode kung walang episode na ipapalabas sa Abril 17 at 18, Huwebes Santo at Biyernes Santo.

Pangalawa sa Top 10 TV Shows ang rom-com drama series na XO, Kitty, kung saan ang queer character na si Quincy “Q” Shabazian (ginampanan ni Anthony Keyvan) ay may dugong-Pinoy.

May mga references sa Pinoy culture ang XO, Kitty dahil kay Q!

 top 10 tv shows on Netflix

Walang pelikulang Pinoy sa Top 10 Movies ng Netflix Philippines mula Enero 16, Huwebes, hanggang Enero 19, Linggo.

Mula Enero 17, Biyernes, ay nasa Top 10 ang 2007 crime thriller na Eastern Promises, kung saan may frontal nudity ang bidang si Viggo Mortensen.

Kagaya ng Incognito ay 16+ ang Maturity Rating ng Eastern Promises. Ang na-cite na reasons for its rating ay “violence, sex, nudity, language.”

Sa Enero 31 ay mag-i-streaming na sa Netflix ang Cinemalaya 2024 movie ni Marian Rivera na Balota. Tinanghal si Marian na best actress sa 20th Cinemalaya for the said film, katabla si Gabby Padilla ng Kono Basho.

Balota on Netflix
Balota starring Marian Rivera will be shown on Netflix on January 31, 2025. 

Gaya ng naiulat namin dito before, streaming sa Netflix ang Friendly Fire umpisa Enero 23, Tamang Panahon umpisa Pebrero 7, at Hello, Love Again umpisa Pebrero 13.

KathDen in Hello, Love, Again

Top 10 TV Movies in the Philippines Today sa Netflix (January 19, 2025)

  1. Back in Action
  2. Kingdom 4: Return of the Great General
  3. Ad Vitam
  4. Knight and Day
  5. Searching
  6. The Secret Life of Pets 2
  7. Eastern Promises
  8. Meg 2 The Trench
  9. The Forge
  10. Genie Ang

Top 10 TV Shows in the Philippines Today sa Netflix (January 19, 2025)

  1. Incognito
  2. XO, Kitty
  3. Sakamoto Days
  4. Squid Game
  5. Single’s Inferno
  6. The Apothecary Diaries
  7. Love Scout
  8. I May Be a Guild Receptionist, but I’ll Solo Any Boss to Clock Out on Time
  9. Castlevania Nocturne
  10. Dr. Stone

NOEL FERRER

Ngayong weekend, susubukan kong manood at mag-indulge sa Netflix.

Maganda ang nasilip kong pilot ng Incognito, ha? Sana, ma-maintain nila ito para premium content talaga from our friends in ABS-CBN.

I want Daniel Padilla and Maris Racal to be able to bounce back really. Kasi, dapat talaga maipalabas ang husay nila sa pagganap at hindi sila hinuhusgahan sa nangyari sa personal nilang buhay.

Manonood din ako ng Oscars contenders. Ano pa ba ang mga suggested viewing ninyo sa streaming platforms, mga PEPsters?

Hindi ako sure kung mahu-hook ako dito sa Incognito.

Dalawang episodes pa lang kasi ang napapanood ko, nakakatulugan ko. Kahit punung-puno ng aksiyon, parang hindi pa rin ako namangha sa pasiklab na action scenes ng bawat main character.

Naghuhumiyaw na action ito! Action itong Incognito!

Incognito cast

Incognito cast (L-R) Richard Gutierrez, Kaila Estrada, Baron Gesiler, Anthiny Jennings, Daniel Padilla 

Photo/s: PR

Sa unang episode pa lang, si Richard Gutierrez lang talaga ang bagay sa ginawa niyang action scene.

Medyo nakukulangan pa kami kay Daniel Padilla na ibang-iba siya rito, malayo sa mga pelikula at seryeng ginawa nila ni Kathryn Bernardo.

Agree ako sa obserbasyon ng iba na halatang choreographed ang action scenes nila.

SAVING GRACE CASTING, MAGALING!

Mabuti at itinuloy na namin ang panonood ng seryeng Saving Grace sa Amazon Prime. Ang gagaling kasi ng mga artista, lalo na sina Sharon Cuneta, Julia Montes, Janice de Belen, at ang batang si Zia Grace.

Pati ang supporting cast ay magagaling din lalo na sina Jennica Garcia at Christian Bables, pati sina Elisse Joson, Adrian Lindayag, at Mary Joy Apostol.

Ang galing ng casting ng seryeng ito.

Akala ko nga, mas naka-focus kina Julia at ang batang si Zia ang kuwento, pero ang dami palang magagandang moments ni Sharon.

Pasabog ang mga eksena nila ni Janice, kaya napatutok na kami sa seryeng ito sa Prime.

Sana, mabigyan pa ng magandang material si Julia Montes na pelikula at teleserye, dahil lumutang siya dito sa Saving Grace at magaling siya talaga.