Barretto sisters, ghosting ni Gerald, pagkamatay ni Manoy Eddie, Kris vs Nicko at iba pa � niyanig ang 2019

MANILA, Philippines — Hindi puwedeng magtapos ang 2019 na walang ingay ang showbiz.

Naging magulo ang taon sa showbiz dahil sa mga usaping pagpanaw, demandahan, pagwawala, pambabastos, pagpapahiya, pandededma at siraan ng magkakapamilya.

Sabi nga nila, hindi masaya ang showbiz kung walang ingay o kaguluhan.

Sa totoo lang, mas interesado ang maraming tao sa chismis ng showbiz kesa sa chismis sa politics.

Kaya heto ang ilang showbiz controversies na pinagpistahan sa taong 2019…

🔴ATONG, INAMIN NA ANG TOTOONG KWENTO TUNGKOL SA KANILANG ANAK NI GRETCHEN!  SUNSHINE, NAGSALITA NA!

Kris vs Nicko

Hindi kumpleto ang taon kung walang ingay na gagawin si Kris Aquino. Heto ang mismong business manager and trusted friend na si Nicko Falcis ay sinampahan niya ng demanda.

Nagsampa si Kris ng qualified theft complaints in 7 cities. Pero hindi nagpadaig si Falcis dahil nag-file naman ito ng counter-affidavit on the theft charges at nag-file pa ng grave threats case laban Kris sa pagpasok ng taong 2019.

Nagsalita si Kris via Facebook Live at si Falcis naman ay ni-represent ng kanyang brother na si Jesus Falcis dahil wala sa bansa si Nicko at pinatago nila sa ibang bansa dahil sa death threat diumano ni Kris.

Pinarinig ni Jesus ang recorded conversation nito with Nicko at ito ang mga lumabas sa bibig ni Kris: “YOU FUCKING A**H*** NICKO!”, “Huwag ka ng bumalik ng Pilipinas!”, “Papatayin ka ng pamilya ko!”, “Dare to step in this country and you will be DEAD!”

In February 2019, binasura ng Makati at Pasig prosecutors ang theft complaints ni Kris laban kay Falcis. Pero sa Taguig court ay in-order ang pag-aresto kay Falcis noong March 2019. Also in March, winithdraw ni Kris ang theft complaint niya kay Falcis sa Mandaluyong. April 2019 ay na-dismiss naman ang grave threat charges ni Falcis kay Kris.

October 2019, nag-release ng statement ang legal team ni Kris na nagsasabi na naayos na nila ang problema with Falcis. Nakasaad sa statement ay: “The two parties have fairly settled all financial issues and amicably worked out all personal differences.”

Pero inaresto si Falcis nang bumalik siya ng bansa kamakailan dahil sa ilang kaso na may kaugnayan dito pero agad naman siyang nakalabas matapos magbayad ng P60,000 na piyansa.

Eskandalo sa airport ni Tony Labrusca

Nagwala ang aktor na si Tony Labrusca sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) immigration desk pagkatapos siyang bigyan ng 30-day stay in Manila.

Naglabas ng statement ang Bureau of Immigration na si Labrusca ay may hawak ng American passport at nagsisisigaw at nagmumura sa harap ng mga immigration officers. Dahil sa pinakitang ugali na ito ng aktor, na-bash siya ng netizens nang may mag-post ng mga ginawa niyang pambabastos sa immigration offi­cers.

Hindi nagtagal ay nag-apologize si Labrusca sa kanyang ginawa at nakiusap din ang ama nitong si Boom Labrusca na intindihin na lang nila ang kanyang anak at nag-sorry ito sa mga nasa immigration sa inasal nito.

Pagpapahiya ni Yeng Constantino sa doktor on social media

Nag-rant naman sa social media ang Pinoy Dream Academy winner na si Yeng Constantino dahil sa nangyaring aksidente sa kanyang mister na si Yan Asuncion noong mag-cliff diving ito sa Sugba Lagoon in Siargao. Dahil sa kakulangan ng proper facilities sa ospital, kailangan i-transfer ang mister ni Yeng sa ibang ospital.

Ang pagkakamali ni Yeng ay pinag-initan niya ang isang doctor at sinabi niyang wala raw itong sense of urgency. Dito na nag-react ang netizens dahil pinapahiya na raw ni Yeng ang doctor na ang nais lang makatulong kahit na may ibang pasyenteng inaasikaso. Sey ng isang witness sa ospital na umasta raw na parang si Yeng ang nagpapasuweldo sa doctor at  gusto niyang unahin na tingnan ang mister kesa sa mga nauna pa rito.

Nag-apologize si Yeng sa kanyang ginawa at binura na niya ang kanyang pinost sa social media at kanyang vlog. Nagkaroon tuloy ng phobia sa social media si Yeng, lalo na Facebook na kung tawagin ay “Visiobibliophobia”.

Ghosting ni Gerald Anderson kay Bea Alonzo

Pinagpistahan ng netizens ang breakup nila Gerald Anderson at Bea Alonzo na ang dahilan daw ay si Julia Barretto.

Dito na nag-open up si Bea na bigla na lang daw hindi na nagpaparamdam sa kanya si Gerald. Basta na lang daw hindi na ito nakikipag-usap o mag-text man lang sa kanya. Ang tawag sa ginagawang pandededma ni Gerald kay Bea ay “ghosting”.

May hinala na raw si Bea na may something going on na between Gerald and Julia pagkatapos nilang gumawa ng pelikula sa Japan. Doon na raw nagsimulang manlamig si Gerald.

Nakadagdag pa sa hinala ni Bea ang stolen shot ni Gerald kasama si Julia noong birthday party ni Rayver Cruz. Nalaman din na break na si Julia sa boyfriend nitong si Joshua Garcia.

Marami ang kumampi kay Bea at unti-unting nabawasan ng followers sa social media nina Gerald at Julia. Pero kapwa nag-deny ang dalawa sa akusasyon ng marami.

Ang nakakatawa pa ay mas kumampi ang mismong tita ni Julia na si Gretchen Barretto kay Bea.

Barretto family teleserye

Wala na sigurong tatalo pa sa nakakalokang awayan at siraan ng magkakapatid na Barretto sa mismong burol ng kanilang ama na si Miguel Barretto noong October 2019.

Nagsimula ang lahat nang dumating si Gretchen sa wake at sinugod siya ni Marjorie Barretto. Nataon pa na na-witness ni President Rodrigo Duterte ang lahat nang nangyaring away ng magkakapatid.

Nakisali rin sa gulo sina Claudine Barretto at ang pamangkin nila na si Nicole. Claim ni Marjorie ay inagaw daw ni Gretchen kay Nicole ang boyfriend nito, ang businessman na si Atong Ang. Binulgar naman ni Gretchen ang pagkakaroon ng lihim na affair ni Marjorie sa former mayor ng Caloocan City na si Recom Echiverri kung kanino meron siyang isang anak na babae. Nakisali na rin sa gulo ang mga anak ni Marjorie na sina Julia at Dani Barretto.

Nagsalita si Atong na business partner lang daw niya si Gretchen at ang partner nitong si Tony Boy Cojuangco.

Pagkatapos ng isang linggong banga­yan ng Barretto sisters, bigla na lang silang tumahimik.

Paalam, Manoy Eddie Garcia

Nagulat ang lahat sa nangyaring aksidente sa set ng GMA 7 teleserye na Rosang Agimat ang award-winning veteran actor-director na si Eddie Garcia.

Diumano’y natapilok daw si Eddie sa isang cable wire sa location ng taping na naging dahilan ng kanyang pagbagsak sa concrete pavement at magtamo ng neck fracture.

Ang kawalan diumano ng professional medic sa set ang siyang sinisisi sa nangyari sa 90-year old actor.

Naitakbo pa sa ospital si Eddie na comatose, pero pumanaw din ito pagkaraan ng dalawang linggo. Dahil sa nangyari kay Eddie, nagkaroon ng wake-up call sa mga taping sets na kailangan ay may naka-standby na medic kung sakaling may aksidenteng mangyari.

Kailan lang ay naglabas ng order ang Department of Labor and Employment-National Capital Region (DOLE-NCR) at pinagmumulta ang GMA-7 ng higit sa P890,000 kaugnay ng aksidenteng ikinasawi ni Eddie Garcia.

Batay sa imbestigasyon ng DOLE-NCR, nilabag ng network ang tatlong probisyon sa Occupational Safety and Health Standards (OSHS) sa insidenteng kinasangkutan ng 90-anyos na actor-director noong June 8, 2019. Una, bigo ang GMA-7 na mai-report sa DOLE sa loob ng 24 oras ang on-set accident. Pangalawa, walang safety officer. Pangatlo, wala ring first-aid responder sa location ng taping, ayon sa order ng kagawaran na isinapubliko nitong Lunes, Disyembre 23.